Ano Ang Tunggalian Meron Sa Kabanata 14 El Fili? Tao Vs Tao O Tao Vs Lipunan?

Ano ang tunggalian meron sa kabanata 14 el fili? Tao vs tao o tao vs lipunan?

El Filibusterismo

Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag aaral

Tunggalian:

Tao vs Tao

Ang pagkakaiba ng kuro kuro ni Ibarra at Basilio ay ang halimbawa ng tunggalian ng tao vs tao sa kabanatang ito. Si Ibarra ay hindi naniniwala na ang akademya ay magbubukas ng pinto para sa mga Pilipino upang maging kapantay ng mga kastila sa oportunidad at pagtingin o pagtrato. Batid niya na ang paaralang ito ay magiging daan lamang upang lalong lumawig ang impluwensya ng mga banyaga. Samantalang si Basilio at ang kanyang mga kapwa mag aaral ay naniniwala at umaasa na ito ang magiging susi upang sila ay maging mas matagumpay sa buhay.

Tao vs Lipunan

Ang desisyon ni Don Custodio laban sa opinyon ng mga tao ang tunggaliang tao vs lipunan na nais ipakita sa kabanatang ito. Sapagkat si Don Custodio ang naatasan na magbigay ng pasya at batid niya na anuman ang kanyang mapagpasyahan ay magbubunga pa rin ng mga usapin. Sinikap niya na maibigay ang pasya na sa palagay niya ay makabubuti para sa mga Pilipino. Kaya naman napagpasyahan niya na aprubahan ang pagpapatayo ng akademya. Subalit ang lahat ng mga hakbangin ay iaayon sa kagustuhan pa rin ng mga prayle bagay na ikinalungkot ng mga mag aaral.

Read more on

brainly.ph/question/2118075

brainly.ph/question/1366898

brainly.ph/question/294846


Comments

Popular posts from this blog

El Fili Kabanata 25 Tagpuan At Mahahalagang Pang Yayari?

What Happen When You Disobey The Golden