Ano Ang Kahulugan Ng Boykot?

Ano ang kahulugan ng boykot?  

Ang boykot o boykoteo (Ingles: boycott, Kastila: boicot) ay ang pagtanggi ng pangkat na pangnegosyo o panlipunan na makipagkasundo sa isang indibiduwal, samahan o organisasyon, o bansa upang magpakita ng hindi pagsang-ayon o upang pilitin ang pagtanggap ng kagustuhan o pangangailangan. Ginagamit ito ng samahang manggagawa laban sa mga nagpapatrabaho na itinuturing ng samahan bilang hindi makatarungan at kung minsan ng mga bansa para sa mga layuning pampolitika. Nagsimula ang salitang ito sa Irlanda noong maltratuhin o pakitunguhan nang hindi mabuti ni Kapitan Charles Cunningham Boycott (1832-1897) ang mga nangungupahan sa kanyang estado o lupain, na nagresulta sa pagtanggi sa pakikipagkasundo ng mga nangungupahang ito sa kanya. Sa madaling sabi, ang boykot ay ang "pagtangging tumangkilik o tumulong bilang tanda ng pagtutol".


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Tunggalian Meron Sa Kabanata 14 El Fili? Tao Vs Tao O Tao Vs Lipunan?

El Fili Kabanata 25 Tagpuan At Mahahalagang Pang Yayari?

What Happen When You Disobey The Golden