Ano Ang Nangyari Sa Pananakop Ng Mga Espanyol Sa Pilipinas?
Ano ang nangyari sa pananakop ng mga espanyol sa Pilipinas?
Naging tagumpay rin ang pananakop ng mga Espanyol sa ibang lugar, pero hindi sila natagumpay sa pagsakop sa Mactan, Cebu. Hindi lahat ng pinuno sa Cebu ay pumayag na maging Kristiyano. Isa na rito si Lapu-Lapu. Hindi nagawang magpasunod ni Magellan sa mga patakaran nito pati na ang pagbabayad ng buwis. Noong Abril 27, 1521, nagpasiya si Magellan na lusubin ang Mactan. Tinanggihan niya ang tulong na inalok ni Raha Humabon. Walang lubos na kaalaman ang mga Espanyol kung paano makipaglaban sa mga katutubo kaya nang tamaan ng sibat si Magellan sa kanyang binti, siya ay namatay. Umatras ang iba pang Espanyol at bumalik sila sa barko. Sinubukan nilang hingin ang bangkay ni Magellan subalit hindi ito ibinigay ng mga katutubo. Ang pagwagi ni Lapu-Lapu ang kauna-unahang tagumpay ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop.
Comments
Post a Comment