Negatibong Epekto Sa Ict

Negatibong epekto sa ICT

Ang ICT o Information and Communication Technology ay ang mga teknolohiya sa komunikasyon upang magproseso ng mga datos. May kakayanang mag-imbak ito ng impormasyon kaya nagagamit sa mga research at mapamahagi. Nakalilikha din ito ng kulay, tunog, galaw at larawan upang gawing images, videos o musics. Ang mga halimbawa nito ay ang radyo, telebisyon, cellphones, computer at internet.

Tila ba ang ICT ay bahagi na ng lipunan ng tao. Hindi na makakasulong ang isang lipunan kung wala ang ilan sa mga ito. Mula sa pamahalaan, industriya, edukasyon hanggang sa libangan ay ginagamit ito. Bumibilis ang lahat ng gawain, nagagawa nang saby-sabay.

Ang ilan sa naglalakihang korporasyon o mga industriya sa ngayon ay nagmula sa mga gumagawa ng produkto at nagbibigay serbisyo ng ICT.

Pero hindi lingid sa atin ang negatibong epekto nito. Ang ilan ay ang nararanasan ng mga users nito.

Ang pagkalat ng fake news, malalaswa, mararahas ay mas mabilis kaysa sa paggawa ng mga totoong balita o dokyumentaryo, mga positibo at Rate A na mga impormasyon.

Tumataas na din ang technology addiction sa mga nagpapakonsulta upang magpatoxify. Kasama na dito ang naaadik sa mga video games, pornograpiya, social media at marami pang viral.

Hindi pagiging produktibong empleyado, estudyante o manggagawa sa tahanan. Nauubos ang panahon sa paggamit ng mga gadgets.

Hindi pagkakatulog dahil sa pagpupuyat.

Ang lahat ng ito ay bagay na kailangang bigyan ng awareness mula sa mga magulang na hinahayaang ang gadget ang kalaro, kausap at pampatulog sa anak. Dito nagmumula ang kaugalian nila pagpasok sa paaralan hanggang sa panahong maging adulto na sila at magkaanak.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Tunggalian Meron Sa Kabanata 14 El Fili? Tao Vs Tao O Tao Vs Lipunan?

El Fili Kabanata 25 Tagpuan At Mahahalagang Pang Yayari?

What Happen When You Disobey The Golden