Anong Katangian Ng Mga Pilipino Ang Taglay Sa Paggamit Ng, Eupemistikong Pahayag?, A. Tapat, C. Madaling Umunawa, B. Magalang, D. Malumanay Magsalita

Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng

eupemistikong pahayag?
a. tapat
c. madaling umunawa
b. magalang
d. malumanay magsalita

Answer:

B. Magalang

Explanation:

Ang pagiging tapat ay ang pagsasabi ng isang katotohanan ng isang kalagayan. Sa eupemistikong pahayag, nagbabanggit ang isa ng katotohanan ngunit hindi direkta. Hindi naman ito pagsisinungaling ngunit ang pagiging tapat kung minsan ay nakasasakit kaya hindi ito ang naaangkop sa ilang kalagayan.

Kailangan din naman ang pagiging madaling umunawa para ang isa ay hindi mag-isip ng nakasasakit na mga salita. Kapag nauunawaan natin ang kalagayan ng isa, mapag-iisipan niya ang mga salitang gagamitin. Pero hindi laging ang kakayahang umunawa ay may kagustuhang isipin ang kapakanan. Salungat ito sa eupemistikong pahayag na nagbibigay-pansin sa damdamin ng isa.

Gayundin ang malumanay na pagsasalita ay hindi laging mabuti kung walang mabuting motibo. Puwede pa ngang malumanay na magsalita kahit sarkastiko ang ipinahahayag.

Ang paggalang ang hinahanap na motibo kung bakit mag-iisip ang isa na magpahayag ng mga hindi nakasasakit na mga salita. Nais mong igalang ang dignidad ng isa.

Alamin ang kahulugan ng salitang eupemistiko sa brainly.ph/question/385022.

Mga halimbawa ng eupemistikong pahayag: brainly.ph/question/219406; brainly.ph/question/183102.

Code: 8.1.1.1.2.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Tunggalian Meron Sa Kabanata 14 El Fili? Tao Vs Tao O Tao Vs Lipunan?

El Fili Kabanata 25 Tagpuan At Mahahalagang Pang Yayari?

What Happen When You Disobey The Golden